Ang unti-unting pagkawala ng
diwang nasyonalismo ang isa sa dahilan kung bakit patuloy na naghihikahos ang
ating bansa. sapagkat ang kawalan ng diwang nasyonalismo ay pagkawala ng
pagkakaisa, at ang pagkawala ng pagkakaisa ay ang simula ng pagbagsak ng isang
bayan.
Masasalamin
naman ang kawalan nito sa ating mga Pilipino. Halimbawa na lang ay sa wika,
maliit pa lang ang bata ay kinakausap na natin ito sa wikang Ingles gayong
pwede naman sa sariling wika. Naalala ko tuloy ang sabi ng isa kong Propesor sa
asignaturang Filipino. Sabi niya, “Tagal na tagal na nating nagsasalita sa
wikang Ingles, bakit umunlad ba tayo ?”
Ikalawang halimbawa, maraming
Pilipino ang napakahilig sa imported at aayaw ng sariling produkto na siya
namang mahalaga. Dahil sa pagtangkilik ng sariling atin, pinapaunlad natin ang
bansa natin. Marami sa atin kahit alam ang konseptong ito, na sinamahan pa ng
GNP lesson sa Economics para sa nag-aral at mag-aaral ay tila balewala. Masyadong
hahaba pa pag pinaliwanag ko pa ang
kahalagahan ng diwang nasyonalismo at
pagmamahal sa bayan sa larangan sining,
agrikultura, pulitika at marami pang iba.
Pero
kung isa ka naman sa nagmamahal sa ating Inang bayan o kaya nakonsyensya ka sa
pinagsasabi ko kanina tungkol sa pagiging makabayan at nais mong ipakita ang pagmamahal mo dito,
narito ang ilang payo o hakbang na pwede mong gawin, batay sa pelikula na “Jose
Rizal “ na ginamapanan ni Cesar Montano.
1. Pahalagahan ang Edukasyon
Sa pelikulang Jose Rizal, malaki ang
ginampanan ng Edukasyon sa ating pambansang bayani. Dahil ang Edukasyon ay
katotohanan na pwedeng magpalaya ng isang tao o isang bayan sa umaalipin dito.
Kung magulang ka, wag mong ipagkait ang
edukasyon sa iyong anak. Magsumikap ka dahil sabi nga po, “ang edukasyon ay ang
kayamanang di maagaw ninuman”.
Kung isa ka namang anak at mag-aaral, kung
mag-aaral ka. Mag aral ka muna, saka na ang DOTA . o kaya sa kababaihan, saka
naman si Crush, mag-aral muna Ineng.
2.
Mag sikap at
pag ibayuhin ang talentong pinagkaloob sayo ng Poong Maykapal
Ipinakita sa pelikula na hindi lang
tumunganga si Rizal para maging pambansang bayani. Nariyan syempre ang
sakripisyo. Nagsikap siya at pinaunlad
ang kanyang husay at galing na
pinagkaloob ng Maykapal para makamtan ang tagumpay.
3.
Sumunod sa
batas
Hindi naman
natin kelangang barilin sa Luneta para masabing mahal natin ang bansa natin.
Iyong simpleng pag sunod sa batas na “bawal tumawid at may namatay na dito”, sa
tingin ko sapat na para maipakita na mahal natin ang bansa natin. Iyong
simpleng pagsunod, malaking bagay na
iyon.
4.
Alalahanin
mo ang pinagmulan mo
Isa na
marahil kung bakit naging Pambansang bayani si Rizal ay dahil sa inalala niya
ang ating bansa. Kung tutuusin, pwede siyang magpakasaya na lang sa ibang
bansa, doon magtrabaho at magpayaman. Tutal, matalino naman siya eh, pero hindi
eh. Ninais parin niyang bumalik sa bansa upang tulungan ang mamamayang Pilipino
na lumaya.
Sa ating
sitwasyon ngayon, ilan porsyento ba ng nakapagtapos ang nagsabi ng dito na lang
ako sa bansa natin magtratrabaho. Magsisilbi na nga rin lang ako, bakit sa
dayuhan pa? o baka isa ka sa nagsasabi na, ang hirap kase ng ekonomiya ng ating
bansa, sa ibang bansa na lang ako sa ibang bansa. Makapaghanap ng dolyar at pag
sinuwerte, makatisod pa ng mapapangasawang Kano.
Pero di rin
naman natin sila masisisi dahil may KARAMIHAN sa mga nasa puwesto ngayon sa
gobyerno ay kailangan pa atang multuhin ni Rizal para lang alalahanin ang bayan
hindi ang sarili. Hindi na nga
pinagsisilbihan ang bayan, ninanakawan pa.
Bilang pang huling paalala,
iiwan ko sainyo ang sinabi ni Andres Bonifacio (Gardo Versoza) sa pelikula,
“…Inabuso na
ang ating mga babae,kinamkam na nila ang
ating mga bukid, tinanggalan na tayo ng pagkatao at dignidad bago pa
kumilos”,sa panahon natin ngayon, ang mga salitang iyon ay tila nagsasabi na
“kelangan pa bang makita natin ang ating bansa sa kalunos-lunos na kalagayan
gayong pwede naman natin itong lunasan sa simpleng pagmamahal sa ting bayan?”
Trailer: Jose Rizal
by Marya Sonya Gamara